Wednesday, May 19, 2010

11:11

11:13 na, nalagpasan ko ulit

Sabi nila, swerte daw ang oras na 11:11

Marami ang naghihintay sa pagpatak ng mga kamay ng relo sa oras na ito
Umaga man o gabi

Kabilang ako sa mga masugid na nag-aabang sa oras na ito

Sa tuwing maabutan ko ito, isa lang ang aking hiling

Ang malaman mo na mahal kita at hindi masira ang pagkakaibigan natin

Sa paglipas ng mga panahon ng paghiling, akin pa yaong dinagdagan

"Sana hindi pa kayo," nang maglaon ay naging "Sana may pag-asa pa ko"

Hindi yun natupad..







Akala ko

Madaming araw ang lumipas, kasama na ang 11:11

Humihiling pa din ako, at hindi pa din natutupad

Pano ba naman matutupad kung hindi gumagawa ng paraan

Pero nagbago yun, isang gabi

Nabasa ko sa pahina niya, ipinaghahanap siya ng kanyang kaibigan ng mamahalin

Nabuhayan ako ng loob

Totoo nga ata ang 11:11

Ngayon, sana matupad na ang mga bago kong hiling bago sumapit muli ang 11:11

-xD

No comments:

Post a Comment